^
Pagkakaisa ipinanawagan ng PSL
Ricky Palou
STAR/File

Pagkakaisa ipinanawagan ng PSL

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nanawagan ng pagkakaisa ang pamunuan ng Philippine Superliga (PSL) upang maayos ang gusot sa Philippine volleyball.

Magkakaroon ng eleksiyon upang bumuo ng bagong grupo na kikila­lanin ng International Volleyball Federation (FIVB).

At isa ang PSL sa mga stakeholders na imbitado sa eleksiyon na idaraos anumang araw ngayong buwan.

Nauna nang nagpahayag ng pagkakaisa ang Premier Volleyball League (PVL) officials sa pangu­nguna nina Ricky Palou at Tony Boy Liao kung saan nakipagsanib-puwersa ito kay dating PSL official Tats Suzara.

Kasama rin sa grupo si Beach Volleyball Republic (BVR) founder Charo Soriano ang napapabalitang isasabak upang pamunuan ang bagong volleyball association.

Kaya naman umaasa si PSL president Ian Laurel na magkaroon ng pagkakaisa para tuluyan nang tuldukan ang problema sa volleyball sa bansa.

“It is with utmost humility that I hope we can put our personal interests aside and put the interest of Phi­lippine Volleyball above our egos and personal gains,” ani Laurel sa kanyang statement.

Inatasan ng FIVB ang Philippine Olympic Committee (POC) para ga­bayan ang isasagawang eleksiyon.

Ang mabubuong asosasyon ang kikilalanin ng FIVB na siyang magkakaroon ng karapatang dumalo sa FIVB World Congress na idaraos via online sa susunod na buwan.

Ito rin ang bagong national sports association ng volleyball sa bansa na kikilalanin ng POC.

Isa sa requirement ng POC para maging miyembro nito ang recognition ng international federation.

FIVB PSL PVL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with