^
Pacers binugbog ang Blazers
Napilitang ipasa ni Pacers forward Domantas Sabonis ang bola nang madepensahan ni Blazers center Jusuf Nurkic sa ak-syong ito sa NBA.

Pacers binugbog ang Blazers

(Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2021 - 12:00am

Rockets lusot sa Spurs

PORTLAND, Ore. —  Humakot si big man Domantas Sabonis ng 23 points at 15 rebounds para banderahan ang 111-87 pagrapido ng Indiana Pacers kontra sa Trail Blazers.

Nagdagdag si guard Malcolm Brogdon ng 25 points at 7 assists para sa Indiana (7-4) na wakasan ang kanilang 11-game losing skid sa Portland.

Pinamunuan nina CJ  McCollum at Damian Lillard ang Trail Blazers (7-4) sa kanilang tig-22 markers.

Ito ang unang laro ng Pacers matapos ang four-team trade kung saan ibinigay ng Indiana si scorer Victor Oladipo sa Houston habang dinala ng Rockets si James Harden sa Brooklyn Nets.

Sa San Antonio, naglista si Christian Wood ng 27 points at 15 rebounds para tulungan ang Rockets (4-6) na kunin ang 109-105 tagumpay sa Spurs (6-6) isang araw matapos ang trade kay Harden.

Sa Denver, nagsumite si center Nikola Jokic ng triple-double sa kanyang 23 points, 14 rebounds at 10 assists para sa 114-104 pagbugbog ng Nuggets (5-6) sa Golden State Warriors (6-5).

Sa Philadelphia, tumipa si Ben Simmons ng triple-double sa kanyang 10 points, 10 assists at 12 rebounds at nagbalik si Shake Milton mula sa COVID-related issues para umiskor ng 31 points sa 125-108 panalo ng 76ers (9-4) sa Miami Heat (4-6).

Wala sa line-up ng Heat sina Jimmy Butler, Bam Adebayo at Goran Dragic dahil sa virus-related issues.

Sa Toronto, humakot si Chris Boucher ng 25 points at 10 rebounds at naglista si Kyle Lowry ng 16 points at 12 assists, para sa 111-108 pagtakas ng Raptors (3-8) sa Charlotte Hornets (6-7).

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with