^
Holyfield handang tulungan si McGregor
Conor McGregor
John Gurzinksi/AFP

Holyfield handang tulungan si McGregor

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2021 - 12:00am

Sa training camp para sa Pacquiao fight

MANILA, Philippines — Naniniwala si dating world champion Evander Holyfield na mabibigyan ni Ultimate Fighting Championship superstar Conor McGregor ng magandang laban si reigning World Boxing Association (WBA) Manny Pacquiao kung magkakaroon lamang ito ng magandang boxing training.

Para kay Holyfield, may mga bentahe si McGregor na magagamit nito na makapagbigay  ng magandang laban kontra sa eight-division world champion na si Pacquiao.

“He has reach advantage. So he has to keep Pacquiao to the side and throw the punches straight, which is going to be difficult. You’re talking about fighting somebody who has been doing boxing their whole life,” ani Holyfield sa panayam ng SunSport.

Kaya naman interesado si Holyfield na tulungan si McGregor sa preparasyon nito sakaling matuloy ang ikinakasang mega fight kontra sa Pinoy champion.

Alam ni Holyfield na malayo ang agwat nina Pacquiao at McGregor kung boksing ang pag-uusapan.

Natural boxer si Pacquiao na mahigit dalawang dekada na sa mundo ng boxing habang mas sanay si McGregor na lumaban sa mixed martial arts.

Mababaw ang karanasan ni McGregor sa boxing na naging resulta upang matalo sa kanyang laban kay undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr. noong 2017.

Naniniwala si Holyfied na tatalunin lamang ni Pacquiao si McGregor.

CONOR MCGREGOR MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with