^

Patung-patong na kaso isasampa ng PSC

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2021 - 12:00am

Sa mga sangkot sa payroll scam

MANILA, Philippines — Inirekomenda kahapon ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng iba’t ibang kaso laban sa tatlong dating empleyado ng Philippine Sports Commission (PSC) kaugnay sa payroll scam.

Sa isang 23-page resolution na pirmado nina Assistant State Prosecutor Moises Acayan, Sr. Deputy State Prosecutor Richard Fadullon at Prosecutor Ge­neral Benedicto Malcontento, inirekomendang sampahan ng PSC at ng National Bureau of Investigation (NBI) ng kaso sina Paul Ignacio, Michaelle Jones Velarde at Lymuel Seguilla.

Ito ay mula sa qualified theft, attempted qualified theft, cyber-related forgery hanggang sa computer-related fraud.

“It is a regrettable incident but it compelled us to fast-track upgrades and consider a second-look at existing processes,” ani PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Nabisto ang nasabing payroll scam na kinasasangkutan nina Ignacio, Velarde at Seguilla noong Hulyo ng nakaraang taon matapos ireport ni Land Bank Vice President M­arietta Cabusao ang ma­lakihang pagwi-withdraw ni Ignacio sa kanilang Philippines Century Park Hotel Branch sa Malate na nasa likod ng Rizal Memorial Sports Complex.

Ang nasabing mga transaksyon ay nadiskubreng nasa LandBank payroll account ni Ignacio sa PSC.

Si Ignacio, naka-assign sa PSC Personnel Department ay dating inilagay ng sports agency sa kanilang Information Systems Unit.

Sa halos limang taon na operasyon ng grupo ni Ignacio ay nakapagbulsa sila ng higit sa P14 milyon mula sa monthly allowances ng mga inactive na national athletes at coaches.

Bukod sa NBI ay nakikipag-usap na rin ang PSC sa Office of the Solicitor General at sa Anti-Mo­ney Laundering Council para mabawi ang nakulimbat ng tropa ni Ignacio.

Sa nasabing rekomendasyon sa DOJ resolution, isasampa ng PSC at ng NBI ang mga kaso sa Regional Trial Court sa Imus, Cavite.

DOJ PSC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with