_ngayon
^

McGregor sasalang sa 2-month boxing training

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 15, 2021 - 12:00am

Para sa Pacquiao fight

Dalawang buwan na training camp sa boxing ang plano ng kampo ni Ultimate Fighting Championship superstar Conor McGregor bago sumalang kontra kay eight-division world champion Manny Pacquiao.

Naniniwala ang boxing coach ni McGregor na si Phil Sutcliffe na 90 porsiyento na ang negosasyon para matuloy ang laban nito kay Pacquiao.

Sa Marso, Abril o Mayo ang target date na posibleng maganap sa Middle East.

Kaya naman naghahanda na ito ng game plan upang hasain si McGregor dahil alam nitong isang world class at boxing legend ang kanilang sasagupain sa ngalan ni Pacquiao.

“March, April or May. I’d like him to be in a boxing camp for at least two months,” ani Sutcliffe sa panayam ng ESPN.

Bago ang Pacquiao fight, sasalang muna si McGregor sa UFC 257 showdown kontra kay Dustin Poirier.

Matapos nito, magpapahinga ng ilang linggo si McGregor bago muling sumabak sa boxing training para sa Pacquiao bout.

Abot-kamay na ang Pacquiao-McGregor fight.

Mismong si Pacquiao na ang nagkumpirma na prayoridad nito ang laban kay McGregor sa taong ito dahil malaking bahagi ng kanyang kikitain ay ibabahagi sa mga kababayan nito.

Mahigit isang taon nang hindi nakakatungtong ng ring si Pacquiao. Ngunit nananatili ang magandang kundisyon nito dahil hindi ito nagpabaya sa workout sa kabila ng pandemya.

PACMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with