_ngayon
^

PSN Palaro

Giannis inakay ang Bucks vs Magic

Pilipino Star Ngayon
Giannis inakay ang Bucks vs Magic
Tinaasan ng kamay ni Bucks forward Giannis Antetokounmpo si Magic forward Aaron Gordon sa NBA.
STAR/ File

ORLANDO, Fla. — Humugot si superstar Giannis Antetokounmpo ng 13 sa kanyang 22 points sa fourth quarter para banderahan ang 121-99 paggupo ng Milwaukee Bucks laban sa Magic.

Nagmula ang reigning two-time NBA MVP sa one-game absence dahil sa isang minor back injury para ibigay sa Milwaukee ang 7-4 kartada at ibinaba ang marka ng Orlando sa 6-5.

Nag-ambag sina Khris Middleton at Bobby Portis ng tig-20 points para sa Bucks.

Sa Portland, nagsumite si CJ McCollum ng 30 points, 6 boards at 5 assists para sa 112-111 pagtakas ng Trail Blazers (6-4) laban sa Toronto Raptors (2-8).

Sa Charlotte, tumipa si Gordon Hayward ng 34 points para igiya ang Hornets (6-5) sa 109-88 pagdaig sa New York Knicks (5-6).

Ito ang ikaapat na sunod na ratsada ng Charlotte, nakahugot kay Devonte Graham ng 19 points.

Sa Washington, humataw si Bradley Beal ng 34 points at pinigilan ng Wizards (3-8) ang kanilang three-game losing slump para angkinin ang 128-107 panalo sa Phoenix Suns (7-4).

Sa Atlanta, kumamada si Trae Young ng 26 points para banderahan ang Hawks (5-5) sa 112-94 pagpapatumba sa Philadelphia 76ers (7-4).

Sa Cleveland, nagtala si Dillon Brooks ng 21 points at 7 rebounds para ihatid ang Memphis Grizzlies (4-6) sa 101-91 pananaig sa Cavaliers (5-6).

Samantala, dahil sa coro­navirus disease (COVID-19) ay ipinagpaliban ng NBA ang laban ng New Orleans Pelicans at Dallas Mavericks at ang pagtutuos ng Boston Celtics at Chicago Bulls.

Haharapin sana kahapon ng Mavericks ang Pelicans sa American Airlines Arena habang magtatapat ngayon ang Celtics at Bulls sa United Center.

Ito ang ikalawang pagkakataon na ipinagpaliban ang laro ng Celtics matapos ang nadiskaril nilang laro ng Miami Heat.

MAGIC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with