^
Puso ni Manuel nasa Aces pa rin
Vic Manuel
PBA Images

Puso ni Manuel nasa Aces pa rin

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 13, 2021 - 12:00am

Handang bumalik kung magkakasundo

MANILA, Philippines — Matapos isiwalat ang kagustuhang ma-trade, kumambyo si Aces forward Vic Manuel na handang makipagkasundo sa pamunuan ng Alaska.

Ilang araw din ang pananahimik ni Manuel nang ihayag nito ang kagustuhang umalis sa kampo ng Aces.

Subalit sa kanyang u­nang panayam matapos ang isyu, tila lumambot ang puso ni Manuel na bukas sa posibilidad na magbalik sa Aces.

“Malay natin magkasundo pa,” wika ng 6-foot-4 sa Sports All-In.

May anim na taon ding naging tahanan ng 6-foot-4 forward ang Aces kaya’t malalim na rin ang pinagsamahan nito.

“Alam mo naman na love ko ‘yung Alaska. Diyan ako tumagal e. Nandiyan ‘yung love and respect ko sa Alaska pero kung anuman ang mangyayari, hindi natin masabi,” ani Manuel.

Nagsimula ang lahat nang hindi magustuhan ni Manuel ang offer ng Alaska — isang two-year maximum deal na may team-option sa ikalawang taon.

Ngunit nagbago ang ihip ng hangin dahil iniha­yag ni Manuel na nananatili ang mataas na respeto nito sa Alaska management at handa itong makipagkasundo kung magiging maayos ang usapan.

Kaliwa’t kanang koponan na ang lumulutang na interesado sa serbisyo ni Manuel kabilang na rito ang NLEX, Phoenix at San Miguel Beer.

Gusto ni Manuel ang Road Warriors dahil kay head coach Yeng Guiao na isa sa tinitingala nitong coaches sa liga habang sa Fuel Masters naman dahil sa matalik nitong kaibigan na si Calvin Abueva.

Sa kabilang banda, paboritong koponan na ni Manuel ang Beermen bago pa man ito pumasok sa PBA bukod pa rito ang pagiging malapit na kaibigan nito kay Arwind Santos.

Nasa kamay ng Alaska ang magiging kapalaran ni Manuel — kung mananatili ito sa Aces o tuluyang nang i-trade sa ibang koponan.

Samantala, matapos ang impresibong ipinamalas sa PBA Season 45 Phi­lippine Cup, nakakuha ng contract extension si Reynel Hugnatan sa Meralco Bolts.

ALASKA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with