^
Gazz Angels nagpapalakas!
Kath Arado
Philstar.com/Luisa Morales, file

Gazz Angels nagpapalakas!

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 8, 2021 - 12:00am

3 key players pasok sa lineup

MANILA, Philippines — Tatlong key players ang hinugot ng PetroGazz Angels upang palakasin ang lineup nito para sa pagbabalik-aksyon ng Premier Volleyball League (PVL) sa Abril.

Nangunguna sa listahan sina middle blocker Ria Meneses at libero Kath Arado na parehong miyembro ng Generika-Ayala Lifesavers sa Philippine Superliga.

Hindi masisilayan sa 2021 season ng PSL ang Lifesavers matapos itong magsumite ng “leave of absence” dahil sa epekto ng pandemya.

Kaya naman nagpasya sina Meneses at Arado na lumundag sa PVL na kauna-unahang professional volleyball league sa bansa.

Nasungkit ni Meneses ang First Best Middle Blocker award sa 2018 PSL All-Filipino Conference habang maningning din ang pangalan ni Arado na UAAP Season 81 Best Libero, two-time UAAP Best Digger, UAAP Best Receiver at two-time PSL Best Libero.

Pasok din sa Gazz Angels si outside hitter Mean Mendrez ng University of the East na nagdesisyong huwag nang gamitin ang final playing year sa UAAP Season 84.

Makakasama nina Meneses, Arado at Mendrez sina three-time NCAA MVP Grethcel Soltones, Jerrili Malabanan, Ivy Perez at Seth Rodriguez sa listahan ng mga bagong players ng Gazz Angels.

PETROGAZZ ANGELS PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with