^

Dimaculangan bagong coach ng Lady Bulldogs

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 8, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bagong coaches ang ipaparada ng National University sa UAAP volleyball tournament.

Si dating University of Santo Tomas playmaker Karl Dimaculangan na ang magsisilbing head coach ng Lady Bulldogs sa women’s volleyball event.

Pinalitan ni Dimacula­ngan si dating mentor Norman Miguel na nagpasyang huwag nang bumalik pa sa kampo ng Lady Bulldogs dahil sa personal na rason.

Si Miguel ang pumalit kay dating head coach Babes Castillo sa Lady Bulldogs.

Sa kanyang unang taon noong UAAP Season 81, nagkaroon ng rebuil­ding ang Lady Bulldogs dahilan para magkasya lamang ito sa 4-10 marka.

Magarbo ang pagba­balik ng NU sa Season 82 dahil umariba agad ito sa 2-0 rekord sa pagsisimula ng torneo noong nakaraang taon. Subalit naudlot ang magandang takbo ng Lady Bulldogs dahil kinansela ang season bunsod ng COVID-19 pandemic.

LADY BULLDOG UAAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with