^
James binigyan ng regalo ang sarili
Padakdak si Lakers star LeBron James laban kina Spurs’ players Lonnie Walker at Keldon Johnson
STAR/ File

James binigyan ng regalo ang sarili

(Pilipino Star Ngayon) - January 1, 2021 - 12:00am

James binigyan ng regalo ang sarili

SAN ANTONIO Kasabay ng pagdiriwang ng kanyang ika-36 kaarawan ay inihatid ni LeBron James ang nagdedepensang Los Angeles Lakers sa 121-107 pagpapatumba sa Spurs.

Kumolekta si James ng 26 points, 8 assists at 5 rebounds para sa ikatlong panalo ng Lakers sa limang laro.

Inilista ni James ang kanyang double-figures sa ika-1,000 sunod na laro para palawigin ang kanyang NBA-record streak.

“We don’t have any rookies to sing him ‘Happy Birthday,’ so he didn’t get that yet,” sabi ni head coach Frank Vogel kay James.

Nagdagdag si Dennis Schroder ng 21 points para sa Los Angeles habang may 20, 18 at tig-10 mar­kers sina Anthony Davis, Wesley Matthews, Kentavious Caldwell-Pope at Montrezl Harrell, ayon sa pagkakasunod.

Pinamunuan ni Dejounte Murray ang San Antonio sa kanyang 29 points at may 23 markers si DeMar DeRozan.

Sa Miami, niresbakan ng Heat ang bisitang Milwaukee Bucks, 119-108, isang araw matapos silang pasabugan ng NBA record na 29 three-point shots.

Umiskor si guard Goran Dragic ng 26 points at humakot si center Bam Adebayo ng 22 points, 10 assists at 8 rebounds para sa Miami, nakahugot din kay Tyler Herro ng 21 points at career-best 15 boards.

Naglista naman si G­iannis  Antetokounmpo ng triple-double sa kanyang 26 points, 13 rebounds at 10 assists para sa Milwaukee habang may 15 at 13 mar­kers sina Donte DiVincenzo at Jrue Holiday, ayon sa pagkakasunod.

Sa Boston, kumamada si Jaylen Brown ng career-high 42 points para banderahan ang Celtics sa 126-107 pagrapido sa Memphis Grizzlies.

Sa New York, nagtala si Kevin Durant ng 33 points at may 25 markers si Kyrie Irving, ang 17 rito ay ginawa niya sa fourth quarter, para akayin ang Nets sa 145-141 pagdaig sa Atlanta Hawks.

Sa Dallas, naglista si LaMelo Ball ng 22 points habang nagsampay si Miles Bridges ng 20 points at 16 rebounds para tulungan ang Charlotte Hornets sa 118-99 panalo sa Mavericks.

JAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with