^
Embiid bumida sa 76ers
Na-trap si 76ers center Joel Embiid sa depensa nina Knicks center Mitchell Robinson at forward Julius Randle
STAR/File

Embiid bumida sa 76ers

(Pilipino Star Ngayon) - December 28, 2020 - 12:00am

Knicks pinataob

NEW YORK - Ipinakita ni center Joel Embiid ang kanyang dominasyon para ihatid ang Philadelphia 76ers sa ikalawang sunod na ratsada.

Humakot ang 7-footer na si Embiid ng game-high 27 points at nagsalpak ng isang go-ahead traditional three-point play para tulu­ngan ang 76ers sa 109-89 paggiba sa Knicks.

Kumalawit din si Embiid ng 10 rebounds para sa Philadelphia, nakahugot kina Seth Curry, Tobias Harris at Ben Simmons ng tig-17 at 15 points, ayon sa pagkakasunod.

Pinamunuan ni Julius Randle ang New York sa kanyang 25 points.

Sa Washington, iniskoran ng Orlando Magic ang Wizards, 130-120, para sapawan ang ikalawang triple-double performance ni Russell Westbrook.

Tumapos si Westbrook na may 15 points, 15 rebounds at 12 assists para sa Washington at maging ikaapat na player sa NBA history na naglista ng triple-double sa unang dalawang laro ng kanyang koponan.

Ang tatlong nauna ay sina Magic Johnson, Jerry Lucas at Oscar Robertson.

Tumipa si Terrence Ross ng 25 points para sa ikalawang sunod na panalo ng Orlando habang may 22 at 21 markers sina Nikola Vucevic at Markelle Fultz, ayon sa pagkakasunod.

Sa Memphis, humataw si guard Trae Young ng walong sunod na puntos at tumapos na may 36 points para sa 122-112 pagdaig ng Atlanta Hawks sa Grizzlies.

Pinangunahan ni Ja Morant ang Memphis sa kanyang 28 points habang may 20 points at 14 rebounds si Kyle Anderson.

Sa Charlotte, nagsalpak si Shai Gilgeous-Ale­xander ng isang tiebrea­king jumper sa huling 1.4 segundo at tumapos na may 24 points para iligtas ang Oklahoma City Thunder laban sa Hornets, 109-107.

Matapos kunin ng Thunder ang 13-point lead sa huling 1:50 ng fourth period ay humugot si Miles Bridges ng 11 sa kanyang 14 points, kasama rito ang isang three-point shot na nagtabla sa Hornets sa 107-107 sa natitirang 10.3 segundo.

Nakuha ni Gilgeous-A­lexander ang inbound pass at ikinonekta ang kanyang jumper para ipanalo ang Thunder.

Sa Chicago, nagsumite si Domantas Sabonis ng triple-double na 22 points, 10 rebounds at 11 assists para sa 125-106 paggupo ng Indiana Pacers sa Bulls.

Nagtala si T.J. Warren ng 23 points habang may 22 markers si Victor Oladipo para sa ika-10 sunod na panalo ng Indiana sa Chicago simula noong 2018-19 season.

76ERS JOEL EMBIID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with