^

PSN Palaro

Bakbakan sa Presidential Gold Cup sa Linggo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Babanderahan ng 2020 Triple Crown champion He­neral  Kalentong ang 12 pang kabayo sa pagpapakawala sa 248th Philippine Racing Commission’s Presidential Gold Cup sa Linggo sa San Lazaro Leisure Park (SLLP) sa Carmona, Cavite.

Ilan sa mga makakasukatan ng Heneral Kalentong ay ang Real Gold, Boss Emong, Shanghai Grey, Princess Eowyn at Victorious Colt.

Hangad naman ng Super Sonic ni owner Leonardo M. Javier Jr. na maduplika ang record ng Hagdang Bato ni owner Benhur Abalos bilang tanging kabayong naghari ng dalawang beses sa Presidential Gold Cup na nangyari noong 2012 at 2014.

Tatakbo rin sa nasabing 2,000-meter race ang Electric Truth, Super Swerte, Pangalusian Island, Toy For The BigBoy, Wonderland at Patong Patong.

Maglalaban ang mga locally bred runners para sa premyong P3 milyon mula sa Philracom kung saan ang mananalo ang magtatakbo sa P1.8 milyon.

Ang mga second hanggang sixth placers ay tatanggap ng P675,000, P375,000, P150,000, P90,000 at P60,000, ayon sa pagkakasunod habang ang winning breeder ay magbubulsa ng P100,000 cash incentive.

Ang bagong luklok na Philracom Chairman na si Reli de Leon kasama ang kanyang mga Commissioners ay inaasahang sasaksi sa aksyon sa Presidential Gold Cup na inilunsad noong Oktubre 7, 1973.

GOLD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with