^
Andre Paras lalahok sa PBA Rookie Draft
Andre Paras
PBA Media Bureau

Andre Paras lalahok sa PBA Rookie Draft

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - December 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Susubukan ni Andre Paras ang kapalaran nito sa professional basketball gaya ng kanyang amang si Benjie Paras matapos magdesisyong lumahok sa PBA Annual Rookie Draft.

Pormal nang nagsumite ng aplikasyon si Andre, nakatatandang kapatid ni Kobe Paras na naglalaro sa University of the Philippines.

Sina Andre at Kobe ay anak ni Benjie, ang kauna-unahang PBA player na nakamit ang Rookie of the Year at Most Valuable Pla­yer awards noong 1989.

Alam ni Andre na mahirap pantayan ang tagum­pay ng kanyang ama s­ubalit handa itong gawin ang lahat upang magkaroon din ng magandang resulta ang kanyang pro career.

Kilalang artista si Andre na makailang beses nang lumabas sa ilang pelikula at television shows.

Ngunit may angking galing din ito sa larangan ng basketball.

Naging bahagi ito ng ilang collegiate teams gaya ng UP, San Beda at AMA Online Education.

Sa kanyang stint sa PBA D-League Foundation Cup noong 2019, nagtala ito ng averages na 7.0 points at 6.7 boards.

Naglaro rin si Andre sa Imus sa Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup.

ANDRE PARAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with