_ngayon
^

eSports isinama sa 2022 Asian Games

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - December 20, 2020 - 12:00am

Pinoy may tsansa sa gold medal

MANILA, Philippines — Matapos ang pagiging demonstration sport noong 2018 ay tuluyan nang ibinilang ang eSports (electronic sports) bilang isang full me­dal event para sa 19th Asian Games sa taong 2022 sa Hangzhou, China.

“I hope that electronic sports will add value to the Asian Games –- and I am sure it will in the future, du­ring the Asian Games 2022 and even beyond that,” sabi ni OC Asian Games director Haider Farman.

Inilaro ang eSports bilang demonstration event noong 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

Nauna nang humakot ang Team Philippines ng kabuuang tatlong gold, isang silver at isang bronze medal sa debut ng eSports sa 30th Southeast Asian Games noong nakaraang Disyembre.

Ang pagkakahirang sa eSports bilang isang full medal event para sa 2022 Asian Games ay inaasa­hang magbibigay sa mga Pinoy athletes na makakolekta ng mga gintong medalya.

Naglatag ng anim na gold sa debut ng eSports noong 2019 SEA Games na binubuo ng Tekken 7, Mobile Legends: Bang Bang, StarCraft II, Hearthstone, DOTA 2 at Arena of Valo.

Ang tatlong gintong medalya ng Team Philippines ay mula sa DOTA 2, StarCraft II at sa Mobile Legends: Bang Bang.

Dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic ay napilitan ang Asian Games organisers na ikunsidera ang mga electronic versions ng sports.

ASIAN GAMES ESPORT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with