^
Walang Katulad!
Masayang niyakap ni Ginebra coach Tim Cone ang Finals MVP na si L.A. Tenorio habang sa kanang larawan hawak ni Scottie Thompson ang Philippine Cup trophy.
PBA Image

Walang Katulad!

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - December 11, 2020 - 12:00am

PBA title ng Gin Kings sa bubble

MANILA, Philippines — Sa kanilang paglabas ng PBA ‘bubble’ at pag-uwi sa kani-kanilang mga pamilya ay may kakaibang istoryang maikukuwento ang Barangay Ginebra at si head coach Tim Cone.

Inangkin ng Gin Kings ang korona ng 2020 PBA Philippine Cup matapos sibakin ang TNT Tropang Giga, 82-78, sa Game Five ng kanilang championship series noong Miyerkules sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.

Kaya naman maa­aring maituring ang Ginebra bilang una at huling hari ng PBA ‘bubble’ na binuo sa kasagsagan ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

“It’s so unique, when we get back to Manila, and we look back at this one, we will just be amazed at how this all evolved and how it came together and how we actually ended up winning a championship,” ani  Cone.

Tinapos ng Gin Kings ang kanilang best-of-seven title duel ng Tropang Giga sa 4-1 para makopo ang unang All-Filipino title matapos ang 13 taon.

“This is one that is going to be remembered. We went through a full conference. It wasn’t like a mini-tournament which we talked about at first,” wika ng 62-anyos na two-time PBA Grand Slam champion coach na nakamit ang kanyang ika-23 PBA championship.

Tumabla rin ang Ginebra sa maalamat na Crispa Redmanizers sa pagkakaroon ng 13 korona bilang ikaapat na koponang may pinakamaraming titulo matapos ang San Miguel (27), Alaska (14) at Magnolia (14).

Sa PBA Finals ay kinilala naman si LA Tenorio bilang Most Valuable Player.

“Championship lang ang wish ko kay God, binigyan pa ako ng bonus,” sabi ng 36-anyos na point guard na nakamit ang kanyang unang All-Filipino title para idagdag sa tatlong Governor’s Cup, isang Commissioner’s Cup at isang Fiesta Cup.

Pinuri ni Cone ang coaching staff ng TNT na binigyan sila ng magandang laban bagama’t nagkaroon ng injury sina Ray Ray Parks Jr. (strained left ankle) at Jayson Castro (left knee).

Magbubukas ang PBA Season 46 sa Abril ng susunod na taon kung saan posibleng mayroon nang bakuna para sa COVID-19 at maaari nang magkaroon ang liga ng live audience.

GINEBRA TNT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with