_ngayon
^
Gin Kings kampeon!
Nagdiwang ang Barangay Ginebra matapos makopo ang Philippine Cup trophy.
STAR/ File

Gin Kings kampeon!

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - December 10, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tuluyan nang pinantayan ng Barangay Ginebra ang 13 championships ng pamosong Crispa Redmanizers.

Isinara ng Gin Kings ang kanilang championship series ng TNT Tropang Giga matapos itagay ang 82-78 panalo sa Game Five ng 2020 PBA Philippine Cup kagabi sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.

Tinapos ng Ginebra sa 4-1 ang kanilang best-of-seven title showdown ng TNT para angkinin ang una nilang All-Filipino crown matapos ang 13 taon at ibigay kay Tim Cone ang kanyang pang-23 titulo bilang head coach.

“Thank you to PBA for allowing us to play here. It was an awesome experience,” sabi ni Cone na pinasalamatan din ang kanilang mga fans. “This one’s for you Ginebra fans, this one’s for you.”

Mas pinahalagahan ng Tropang Giga ang kinabu­kasan nina star guards Jayson Castro at Ray Ray Parks Jr. na may bone spurs sa kaliwang tuhod at strained left calf, ayon sa pagkakasunod, kesa paglaruin sila.

Matapos kunin ng TNT ang 73-68 abante sa huling limang minuto ng fourth period ay tumipa si Stanley Pringle ng dalawang three-point shot kasunod ang slam dunk ni Japeth Aguilar at basket ni Joe Devance para sa 80-73 abante ng Ginebra sa huling 56 segundo.

Hindi na ito naungusan ng koponan ni mentor Bong Ravena.

Tumapos si Aguilar na may 32 points, 9 rebounds at 2 assists para pamunuan ang Gin Kings habang may 13 at 10 markers sina Pringle at LA Tenorio, ayon sa pagkakasunod.

Binanderahan ni RR Pogoy ang Tropang Giga sa kanyang 23 points at humakot si Poy Erram ng 18 markers, 15 boards, 3 blocks at 2 steals.

BARANGAY GINEBRA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with