_ngayon
^
âV-dayâ sa Gin Kings?
Sinupalpal ni TNT center Poy Erram si Japeth Aguilar ng Ginebra sa Game 4 ng PBA finals.
PBA Image

‘V-day’ sa Gin Kings?

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - December 9, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maglaro man o hindi sina Tropang Giga star guards Ray Ray Parks, Jr. at Jayson Castro ay may nakahanda nang estratehiya ang Gin Kings.

“We’ll just gonna try to go and whoever shows up we’re gonna go out and play,” sabi ni head coach Tim Cone sa pagsagupa ng Barangay Ginebra sa TNT ngayong alas-6 ng gabi sa Game Five ng 2020 PBA Philippine Cup Finals sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.

Sa hawak na 3-1 lead sa kanilang best-of-se­ven championship series ay nasa Gin Kings ang tsansang mahablot ang kanilang unang All-Filipino crown sapul noong 2007 at kabuuang ika-13  titulo.

Huling nakita sa aksyon si Parks, may strained left ankle, sa Game One kung saan natalo ang Tropang Giga via overtime, 94-100, habang nagkaroon ng knee injury si Castro sa third quarter ng 88-98 kabiguan nila sa Game Four.

“Those are two big losses for them, but I know that Bobby Ray is suppo­sedly close to coming back and Jayson’s a warrior, he’ll find a way if he possibly can,” wika ni Cone. “So we’re going to assume that they’re both going to play on Wednesday.”

Posibleng tapikin ni TNT mentor Bong Ra­vena sina Parks at Castro sa hangaring maidikit sa 2-3 ang kanilang serye ng Ginebra.

Muling sasandigan ng Ginebra sina Stanley Pringle, Japeth Aguilar, LA Tenorio at Scottie Thompson katapat sina RR Pogoy, Troy Rosario, Simon Enciso at Poy Erram ng TNT.

Kung makakahirit ang Tropang Giga kontra sa Gin Kings ay lalaruin ang Game Six sa Biyernes na magbibigay ng sapat na pahinga kina Parks at Castro.

GIN KINGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with