^
Ginebra dikit na sa korona
Sumilip ng butas si Ginebra guard Stanley Pringle laban kina TNT big men Poy Erram at Troy Rosario sa Game 4 ng PBA Finals kagabi.
PBA Image

Ginebra dikit na sa korona

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - December 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na hinayaan ng Barangay Ginebra na mu­ling makawala ang kanilang tsansang makalapit sa pag-angkin sa korona.

Ito ay matapos resba­kan ng Gin Kings ang TNT Tropang Giga, 98-88, sa Game Four ng 2020 PBA Philippine Cup Finals kahapon sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.

Itinayo ng Ginebra ang malaking 3-1 bentahe sa kanilang best-of-seven championship series ng TNT para sa pagkakataong mapitas ang pang-13 titulo at ang kauna-unahang All-Filipino crown matapos noong 2007.

Tuluyan na nila itong makakamit kung muling mananalo sa Game Five sa Miyerkules.

“l really felt that we played a great game at the highest level,” sabi ni coach Tim Cone, nakahugot kina LA Tenorio at Japeth Aguilar ng tig-22 points.

Inilista ng Gin Kings ang 18-point lead, 82-64, sa pagsisimula ng fourth quarter hanggang makadikit ang Tropang Giga sa 88-91 sa huling 2:06 minuto nito.

Pinamunuan ni RR Pogoy ang TNT sa kanyang 34 points.

Samantala, simula nga­yong araw ay maaari nang kumuha ang mga rookie hopefuls, kasama rin ang mga Fil-foreign players, ng kanilang application forms para sa Season 46 PBA Rookie Draft na nakatakda sa Marso 14, 2021.

Kabilang sa mga inaasahang lalahok sa rookie draft ay sina national 3x3 team players Joshua Munzon, Alvin Pasaol, Frankie Johnson, Troy Rike at Santi Santillan.

Nariyan din sina Letran Knights’ big man Larry Mu­yang, Fil-Am forward Jamie Malonzo at ang magkapatid na Juan at Javi Gomez de Liaño ng La Salle at Fil-Am guard Jeremiah Gray.

Ang deadline ng pagsusumite ng aplikasyon ay itinakda sa Enero 27, 2021.

Sa ikaapat na sunod na taon ay ang TerraFirma ang pipili sa No. 1 overall pick ng PBA Rookie Draft kasunod ang NorthPort, NLEX  habang ang mga susunod na pipiling koponan ay ihahayag ng liga.

Sapul nang ipagbawal ng liga ang pagte-trade sa No. 1 pick ay hindi na binitawan ng Columbian (ngayon ay Terrafirma) si CJ Perez noong 2018 at sina Isaac Go (Gilas) at Fil-Am Roosevelt Adams noong 2019 bilang mga first overall selections.

GINEBRA TNT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with