âRegular playerâ status ni Clarkson isusulong ng SBP
Clarkson
STAR/ File

‘Regular player’ status ni Clarkson isusulong ng SBP

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Desidido ang Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na mapabilang si Filipino-American Jordan Clarkson bilang regular player sa FIBA-sanctioned tournaments.

Sa kasalukuyang estado ni Clarkson, naturalized player itong maituturing base sa desisyon ng FIBA.

Sa rules and regulation ng FIBA, kailangang magkaroon ng passport ang isang player bago ito tumuntong sa 16-anyos upang maging regular player ng isang bansang kanyang nais katawanin.

Matatandaang noong 2015 FIBA Asia Cham­pionship, inilatag ng SBP ang Philippine passport ni Clarkson na nakuha nito bago ito mag-16.

Ngunit hindi ito kinatigan ng FIBA.

Sa halip, makalalaro lamang si Clarkson sa Gilas Pilipinas bilang isang naturalized player.

Ayon sa ilang sources, nagduda umano ang FIBA sa Philippine passport ni Clarkson dahil wala itong stamp na tanda na hindi ito nagamit.

Paliwanag naman ng isang source na posibleng ang American passport nito ang madalas na ginamit ni Clarkson noong kanyang teenager days.

Kaya naman tuloy lang ang pakikipag-usap ng SBP sa FIBA para lubos na maipaliwanag na lehitimong Pilipino ang Utah Jazz star kaya’t nararapat lamang na maging regular member ito ng Gilas Pilipinas.

“I want him to be a local but we have to continue to work with FIBA. I’m hoping that he becomes part of the team as a Filipino because he is a Filipino,” ani SBP president Al Panlilio sa panayam ng Sports Page.

Hangad ng SBP na mapasama si Clarkson sa mga international tournaments na lalahukan ng Gilas Pilipinas kabilang na ang prestihiysong FIBA World Cup na gaganapin sa Pilipinas sa 2023.

Subalit iba ang patakarang ipinatutupad ng Olympic Council of Asia na requirement lamang ang pagkakaroon ng Philippine passport para maging bahagi ng pambansang delegasyon sa quadrennial meet.

SBP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with