Baldwin hanga sa Gilas cadets
STAR/File
STAR/File

Baldwin hanga sa Gilas cadets

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Saludo si Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) program director Tab Baldwin sa sakripisyo ng Gilas cadets sa katatapos na FIBA   Asia Cup Qualifiers second window sa Manama, Bahrain.

Masaya si Baldwin na handa ang lahat ng miyembro ng Gilas Pilipinas na mag-adjust upang punan ang kakulangan ng koponan lalo pa’t walang PBA players ang napasama sa lineup.

Kabilang sa mga ginawang solusyon ni Baldwin ang pagpapalit ng posisyon ng ilang players mula sa kanilang mga nakagawian ng puwesto sa kani-kanyang teams.

Isa na rito si Kobe Paras na agad namang sumunod sa bagong sistemang inilatag ni Baldwin.

Ito ang unang pagkakataon na nakasama ni Baldwin si Paras sa isang team at humanga ito sa magandang pag-uugali ng University of the Philippines standout.

“He submitted himself to the environment. He worked extremely hard. First time I’ve been around Kobe to work with him as a player, and you talk about pleasant surprises — Kobe’s attitude is extraordinary,” ani Baldwin.

Sa kanyang bagong posisyon, nakapagtala si Paras ng pitong puntos at dalawang steals sa unang laro ng Pilipinas at Thailand habang nakakuha naman ito ng apat na rebounds, tatlong assists at isang block sa second game ng Philippines-Thailand.

Kaya naman naniniwala si Baldwin na malayo ang mararating ni Paras dahil sa kanyang magandang attitude sa loob at labas ng court.

SBP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with