Gumabao tuloy ang buhay!
Michele Gumabao
STAR/ File

Gumabao tuloy ang buhay!

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2020 - 12:00am

Abala sa pagtulong sa kababayan

MANILA, Philippines — Masaya na si volleyball star Michele Gumabao sa takbo ng buhay nito matapos ang “bitter” issue sa kanyang 2020 Miss Universe-Philippines stint.

Bagama’t hindi nanalong Miss Universe-Philippines, tuloy si Gumabao sa kanyang adbokasiyang tumulong sa mga kababayan nitong nangangailangan.

Itinanghal na second runner-up si Gumabao sa naturang pageant.

Hindi tumigil si Gumabao sa kanyang programang “Your 200 Pesos” na naglalayong makapagbigay ng pagkain partikular na sa mga naapektuhan ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic at ng nakalipas na bagyong tumama sa Pilipinas.

Kamakailan lamang ay nagtungo ito sa tatlong barangay para mamahagi ng 600 meals.

Makailang beses na rin nitong nakasama ang buong 2020 Miss Universe-Philippine court kabilang na si Miss Universe-Philippines winner Rabiya Mateo sa ilang events.

May post pa itong “Thankful” sa kanyang social media account kasama ang kanyang mga Miss Universe-Philippines sisters.

Isa rin sa mga pinagkakaabalahan nito ang ang pagiging host sa variety show na Tutok To Win ni Willie Revillame.

MICHELE GUMABAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with