^

PSN Palaro

Juan GDL pasok sa Top 5 ng FIBA

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Juan GDL pasok sa Top 5 ng FIBA
Juan Gomez de Liaño

MANILA, Philippines — Pasok ang pangalan ni Gilas Pilipinas standout Juan Gomez de Liaño sa Top 5 players na pinangalanan ng FIBA sa second window ng FIBA Asia Cup Qualifiers na ginanap sa Manama, Bahrain.

Humanga ang FIBA sa matikas na ipinamalas ni Gomez de Liaño para tulungan ang Gilas Pilipinas na masolo ang liderato sa Group A tangan ang malinis na 3-0 rekord.

Nagpasabog ang University of the Philippines ace ng averages na 13.0 points at 3.5 assists para pamunuan ang Pinoy squad sa dalawang impresibong panalo kontra sa Thailand.

“In both games, it was the younger Juan Gomez De Liaño that made big shots and big plays to get the momentum swinging the Philippines’ way,” ayon sa inilabas na report ng FIBA.

Lalo pang napabilib ang lahat nang kumana si Gomez de Liaño ng pitong three-pointers sa naturang dalawang laro.

Sa katunayan, nakatuwang nito ang kanyang nakatatandang kapatid na si Javi sa pagpapaulan ng tres partikular na sa se­cond game ng Philippines-Thailand match.

Sa katunayan, ilan sa mga eksperto ang nagsabing posibleng sundan ni Gomez de Liaño ang yapak ni Jayson Castro na itinutu­ring na isa sa pinakamabag­sik na point guard sa Asya.

Kasama ni Gomez de Liaño sa Top 5 players sina Wael Arakji ng Lebanon (22.5 points per game), Mohamed Kawaid ng host Bahrain (15.5 points at 7.0 rebounds), George Kell III ng Syria (34.5 points, 7.0 rebounds at 5.0 assists) at Mohammed Alsuwailem ng Saudi Arabia (13.5 points, 11.0 rebounds at 3.0 blocks).

vuukle comment

FIBA

JUAN GOMEZ DE LIAñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with