^

PSN Palaro

PBA tutulong sa 3rd window

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
PBA tutulong sa 3rd window
Sakaling makuha ng Pilipinas ang hosting ng third window ng FIBA Asia Cup Qualifiers na idaraos sa Pebrero 18 hanggang 21, ibabahagi ng PBA ang kaalaman nito sa SBP.
STAR/ File

Sakaling mapili ng FIBA

MANILA, Philippines — Handa ang pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) na ilatag ang mga kamay nito para tulungan ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa pagpapatakbo ng isang bubble setup.

Sakaling makuha ng Pilipinas ang hosting ng third window ng FIBA Asia Cup Qualifiers na idaraos sa Pebrero 18 hanggang 21, ibabahagi ng PBA ang kaalaman nito sa SBP.

Sanay na sanay na ang PBA sa bubble.

Mahigit dalawang buwan na nitong pinapatakbo ang PBA Season 45 Philippine Cup sa isang bubble setup sa Clark, Pampanga.

Kabisado ng PBA ang pasikut-sikot sa pagpapatupad ng health protocols sa isang bubble — mula sa swab testing, accommodation hanggang pagsasagawa ng actual tournament.

Isasama na lamang sa konsepto ng PBA bubble ang mga natutunan ng SBP sa bubble setup na ginamit sa second window ng qualifiers sa Manama, Bahrain na nakabase sa standards na inilatag ng FIBA.

Kaya naman may ideya na ang SBP sa oras na muli itong maglatag ng panibagong offer sa hos­ting ng third window.

vuukle comment

SBP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with