^

PSN Palaro

Pagbuo sa Gilas Pilipinas lineup hindi na problema

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Para sa 3rd window ng qualifiers

MANILA, Philippines — Asahan ang mas ma­lakas na lineup na ipaparada ng Gilas Pilipinas sa third window ng FIBA Asia Cup Qualifiers na idaraos sa Pebrero.

Ito ay dahil sa pagpasok ng mga PBA players na pwedeng-pwede na makapaglaro sa naturang petsa.

Nahirapan ang Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na makabuo ng lineup sa second window dahil nasa loob ng bubble ang lahat ng players para tapusin ang PBA Season 45 Philippine Cup sa Clark, Pampanga.

Dahil sa sitwasyon, nagdesisyon ang SBP na ipadala ang Gilas Cadets sa Manama, Bahrain kung saan hindi naman binigo ng bagitong koponan ang sambayanan matapos ilampaso ng dalawang beses ang Thailand.

Sa pagkakataong ito, wala nang nakikitang problema ang SBP dahil magi­ging available na ang lahat ng aktibong PBA players na posibleng hugutin sa third window.

Plano ng pamunuan ng PBA na simulan ang susunod na season sa Abril kaya’t wala nang magiging hadlang pa.

Saludo si SBP president Al Panlilio sa magandang ipinamalas ng Gilas Cadets. At naniniwala ito na mas lalong magiging solido ang koponan na may kumbinasyon ng mga bagito at mga beteranong players mula sa PBA na may mas malalim na karanasan.

“The best players are in the PBA and in FIBA competitions you need the experience playing internationally. It’s good that these 14 young men got an experience this window but in the tougher competitions you still need the veterans to come in and contribute,” ani Panlilio sa programang Sports Page.

Mas matinding laban ang naghihintay sa Gilas Pilipinas sa third window kung saan makakalaban nito ang Indonesia sa Peb­rero 18 at South Korea sa Pebrero 21.

Hindi pa nakalagay sa schedule ng FIBA ang dalawang naudlot na laban ng South Korea kontra sa Pilipinas at Indonesia sa second window.

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with