Naturalization ni Kouame malapit na!
Angelo Kouame
STAR/File

Naturalization ni Kouame malapit na!

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kating-kati na si Angelo Kouame na maglaro suot ang Gilas Pilipinas sa mga international competitions.

Gumugulong na ang naturalization ni Kouame kung saan nakapasa na ito sa committee level sa Kongreso.

Hinihintay na lamang ang botohan ng mga kongresista para aksiyunan ang naturalization bill ni Kouame.

Naisulong na rin ang parehong bill sa Senado.

Sa oras na maaprubahan na ang naturalization sa Kongreso at Senado, nasa kamay na ng pangulo ng bansa kung aaprubahan ito para tuluyang nang maging Filipino citizen si Kouame.

Habang naghihintay, bahagi si Kouame ng Gilas Pilipinas sa paghahanda nito partikular na sa katatapos na FIBA Asia Cup Qualifiers second window sa Manama, Bahrain.

Kasama ito sa 16-man pool ngunit hindi ito nakapag­laro dahil hindi pa tapos ang naturalization process.

Kaya naman nang makita nito ang resulta ng laban ng Gilas Pilipinas sa Bahrain, mas lalong naging excited si Kouame.

“I’m so thankful. I’m not Filipino from blood but I commit myself 100 percent to it. It’s something that’s r­eally coming from my chest. I really wanna do ito, I r­eally wanna be part of it,” ani Kouame.

Kung maipapasa ang naturalization ni Kouame, posibleng masilayan na agad ito sa aksyon sa third window ng qualifiers sa Peb­rero na puntiryang i-host ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.

Maliban sa qualifiers, plano rin na maging bahagi ang 23-anyos Ivorian na mapa­sama sa Gilas Pilipinas sa prestihiyosong FIBA World Cup sa 2023 na gaganapin sa Pilipinas.

ANGELO KOUAME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with