Saguiguit bagong head coach ng Altas
Si Saguiguit ang hahawak sa basketball programs ng Perpetual Help sa juniors at seniors division. Agad nitong pinangalanan si Joph Cleofas para maging head coach ng Junior Altas.
STAR/File

Saguiguit bagong head coach ng Altas

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinangalanan ng University of Perpetual Help System Dalta si Mike Saguiguit bilang bagong head coach ng Altas para sa NCAA men’s basketball tournament.

Si Saguiguit ang hahawak sa basketball programs ng Perpetual Help sa juniors at seniors division. Agad nitong pinangalanan si Joph Cleofas para maging head coach ng Junior Altas.

“He will be the new high school coach but I will still look after them as we only have one program,” ani Saguiguit.

Pinalitan ni Saguiguit sa puwesto si dating Perpetual Help head coach Frankie Lim na nagbitiw noong Set­yembre.

Nagsimula na sa kanyang bagong tungkulin ni Saguiguit noong Disyembre 1.

“He’s now the coach starting December 1,” ani Perpetual Help liaison officer Anton Tamayo.

Tiwala ang pamunuan ng Perpetual Help sa kakayahan ni Saguiguit at umaasang mas magiging maganda ang kampanya ng koponan sa mga susunod na edisyon ng torneo.

Noong Season 95, nagtapos sa ikapitong puwesto ang Altas tangan ang 5-13 rekord.

Huling nakapasok ang Perpetual Help sa finals noong Season 80.

Ngunit natalo ito sa da­ting NCAA member na Phi­lippine Christian University sa best-of-three championship series (0-2).

COACH UNIVERSITY OF PERPETUAL HELP SYSTEM DALTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with