3rd window paghahandaan ng Gilas Pilipinas
Mapapalaban ng husto ang Gilas Pilipinas sa third window dahil tatlong matitinding laro ang posibleng pagdaanan nito kung saan dalawa kontra sa Asian power South Korea at isa laban sa Indonesia.
STAR/File

3rd window paghahandaan ng Gilas Pilipinas

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bubuo na ng solidong plano ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para sa third window ng FIBA Asia Cup Qualifiers na idaraos sa Pebrero.

Mapapalaban ng husto ang Gilas Pilipinas sa third window dahil tatlong matitinding laro ang posibleng pagdaanan nito kung saan dalawa kontra sa Asian power South Korea at isa laban sa Indonesia.

Mas malakas na koponan ang isasabak ng Indonesia sa third window dahil nariyan na sina naturalized player Lester Prosper at Indonesian-American guard Brandon Jawato.

Ito ang unang pagkakataon na makakalaban ng Gilas Pilipinas ang Indonesia kasama sina Prosper at Jawato.

Hindi pa nakapaglaro sina Prosper at Jawato sa first window noong Pebrero kung saan pinataon ng Gilas Pilipinas ang Indonesia, 100-70, sa larong ginanap sa Jakarta, Indonesia.

Sa debut ng dalawa sa second window sa Manama, Bahrain, nagparamdam agad sina Prosper at Jawato para dalhin ang Indonesia sa 90-76 panalo kontra sa Thailand.

Kumana si Jawato ng 22 puntos, walong rebounds, walong assists at isang steal habang umiskor naman ng double-double output na 19 puntos at 13 boards si Prosper.

Hawak pa ang Indonesian squad ni Serbian mentor Rajko Toroman na kabisado na ang sistema ng laro ng mga Pinoy dahil ilang taon din itong na­ging head coach ng Gilas Pilipinas.

Sanay na rin si Prosper sa estilo ng Pinoy dahil naging import na ito ng Columbian Dyip sa PBA.

Sa kabilang banda, likas nang nagpapadala ng solidong koponan ang South Korea na itinuturing na isa sa mortal na karibal ng Pilipinas sa Asian level.

Wala pang linaw kung forfieted o ire-reschedule lamang ang mga laro ng South Korea sa second window.

Kasalukuyang may malinis na 3-0 rekord ang Pilipinas para okupahan ang unang puwesto sa Group A kasunod ang South Korea (2-0), Indonesia (1-2) at Thailand (0-4).

FIBA GILAS PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with