Ginto bumubuhos kay De Los Santos
Orencio James De Los Santos
STAR/ File

Ginto bumubuhos kay De Los Santos

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tuluy-tuloy lang sa paghakot ng gintong medalya si World No. 1 Orencio James De Los Santos matapos pagharian ang Katana Intercontinental League e-Tournament kahapon.

Hindi maawat si De Los Santos na muling naglatag ng isang world-class performance para igupo si Botond Nagy ng Hungary sa finals sa bisa ng 24.9-24.5 desisyon.

Para kay De Los Santos, ito ang masarap na tagumpay na kanyang nakamit dahil hindi basta-bastang atleta ang kanyang nakalaban.

Si Nagy ay Guinness World Record holder at kasalukuyang No. 34 sa Olympic Ranking at No. 39 naman sa World Karate Federation Ranking.

“I would have to admit that this match mean a lot to me because my final opponent is Hungary’s best Senior Make Kata player. Even though I emerged victorious, it was a very tough fight and an honor to be facing a kata player of such caliber,” ani De Los Santos sa kanyang post sa social media.

JAMES DE LOS SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with