Abueva tiwalang makakabalik si Pascual sa PBA

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tiwala si Phoenix ace Calvin Abueva na maka­kabalik pa sa aksyon ang kaibigan nitong si Ronald Pascual sa Philippine Basketball Association (PBA).

Personal na binisita ni Abueva si Pascual upang makita ang kalagayan nito. Kasama ni Abueva si Ian Sangalang ng Magnolia.

Mismong si Sangalang pa ang nagpost ng larawan sa kanyang social media account kasama sina Abueva at Pascual.

Malalim ang pinagsamahan ng tatlo dahil magkakasama sina Abueva, Sangalang at Pascual sa San Sebastian College-Recoletos sa NCAA.

Nasa pagsubok nga­yon si Pascual matapos ang kanyang PBA career.

Ayon sa kanyang kapatid, dumaan sa matin­ding depresyon si Pascual na lubos na nakaapekto sa kanyang personal na buhay.

At sa muling pagkikita nina Pascual at Abueva, ramdam ng Fuel Master star ang kasabikang ma­ka­balik sa paglalaro sa PBA.

“Nakikita namin sa kanya na gusto talaga niyang bumalik sa paglalaro. Kailangan niya lang magpakundisyon para bumalik ang laro niya,” ani Abueva.

Para kay Abueva, kailangan lang ng ilang buwan na pagpapakundisyon para maibalik ang bagsik nito sa paglalaro.

Magugunitang No. 3 pick si Pascual noong 2014 PBA Annual Rookie Draft kung saan kinuha ito ng San Miguel Beer.

Huling nakapaglaro si Pascul noong 2018 para sa Alaska Aces.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with