^

PSN Palaro

Oftana, Tungcab ramdam na ang Gilas jersey

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binigyan ng pagkakataon ng Gilas Pilipinas coaching staff na makapag­laro ang lahat ng 14-man pool nito upang magkaroon ng experience sa international level.

Sa ikalawang laro ng Gilas Pilipinas kontra Thailand kagabi, isinama sa Final 12 sina Calvin Oftana at Jaydee Tungcab na nagsilbing reserves sa opening game ng tropa noong Biyernes.

Kaya naman malaki ang pasasalamat nina Oftana at Tungcab sa tiwalang ibinigay sa kanila ng coaching staff at sa pagkakataong maging bahagi ng Gilas Pilipinas final lineup.

Kasama nina Oftana at Tungcab sina Kobe Paras, Isaac Go, Matt N­ieto, Dwight Ramos, Juan Gomez de Liaño, Justine Baltazar, Javi Gomez de Liaño, Rey Suerte, Dave Ildefonso at Kemark Carino.

Pinalitan nina Oftana at Tungcab sa lineup sina Mike Nieto at Will Navarro na maganda rin ang ipinakitang laro sa unang Philippines-Thailand game.

Naglista si Nieto ng walong puntos at dalawang assists sa 14 minutong paglalaro habang nagtala naman si Navarro ng apat na puntos at isang rebound sa 16 minutong pagsalang.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with