Ginebra lusot sa TNT sa game 1
Ang jumper ni Prince Caperal ng Ginebra laban kina Poy Erram at Troy Rosario ng TNT Tropang Giga sa Game 1 ng PBA Finals.
PBA Image

Ginebra lusot sa TNT sa game 1

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - November 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kagaya ng inaasahan, naging mainitan ang bakbakan ng Barangay Ginebra at TNT Tropang Giga sa kanilang championship series opener.

Ngunit sa huli ay nanaig ang koponan ni two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone.

Kumolekta si Japeth Aguilar ng 25 points at 16 rebounds at tumipa si Stanley Pringle ng 24 markers, 7 boards at 7 assists para akayin ang Barangay Ginebra sa 100-94 overtime win laban sa TNT  Tropang Giga sa Game One ng 2020 PBA Philippine Cup Finals kagabi sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.

Nagtuwang sina Aguilar, Pringle at Aljon Mariano sa extension para sa 98-94 bentahe ng Ginebra laban sa TNT sa huling 56 segundo.

Matapos kunin ng Tropang Giga ang 92-90 abante ay naitabla ni rookie Arvin Tolentino ang Gin Kings sa 92-92 sa nala­labing limang segundo patungo sa extension.

Samantala, magpupulong ang PBA Board sa Huwebes kasama si Commissioner Willie Marcial ukol sa usapin sa individual awards.

Ang mga regular awards na ibinibigay sa PBA season ay ang Most Valuable Player, Rookie of the Year, Best Player of the Conference, Mythical Five, Mythical Second Team, Samboy Lim Sportsmanship Award, Most Improved Player at All-Defensive Team.

Ang nasabing mga individual awards ay ibinabase sa statistics ng isang pla­yer sa buong season na kinabibilangan ng Philippine Cup, Commissioner’s Cup at Governor’s Cup.

Nadiskaril ang asam na pang-pitong sunod na MVP trophy ni San Miguel superstar center June Mar Fajardo nang magkaroon ng leg injury kaya hindi siya nakasama sa PBA ‘bubble’.

Kasalukuyang nangu-nguna sa statistical race si Ray Ray Parks Jr. ng TNT Tropang Giga na may 38.3 Statistical Points kasunod sina Calvin Abueva (37.1 SPs) ng Phoenix, CJ Perez ng TerraFirma (35.7 SPs), Phoenix top scorer Matthew Wright (35.6 SPs) at NorthPort big man Christian Standhardinger (34.6 SPs).

GINEBRA TNT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with