Parks No. 1 sa BPC race
Bobby Ray Parks Jr.
Asean Basketball League/File

Parks No. 1 sa BPC race

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - November 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nangunguna na si Bobby Ray Parks Jr. ng Talk ’N Text Tropang Giga sa Best Player of the Conference race matapos ang pukpukang semifinals sa PBA Season 45 Philippine Cup.

Hawak ni Parks ang 38.3 statistical points na nabuo mula sa kanyang impresibong 22.5 points, 8.1 rebounds, 3.1 assists at 1.3 steals kada laro.

Isa si Parks sa mga dahilan para makapasok ang Tropang Giga sa best-of-seven championship series.

Tinalo ng Talk ’N Text ang Phoenix Fuel Masters, 3-2, sa kanilang best-of-five semis showdown.

Nasa ikalawang puwesto si Fuel Masters star Calvin Abueva na may 37.1 points.

Galing si Abueva sa 16 buwang suspensiyon.

Ngunit nang mabigyan ito ng tsansang makabalik sa aksyon, agad na nagpasiklab ang Phoenix ace.

Nagtala ito ng ave­rages na 15.4 points, 11.3 rebounds, 5.2 assists at 1.7 steals sa 12 laro.

Nasa ikatlo naman si Jaymar Perez ng TerraFirma Dyip hawak ang 35.7 points tampok ang kanyang matikas na 24.4 points per game performance sa eliminasyon.

Nahulog naman sa ikaapat na puwesto si da-ting No. 1 Matthew Wright ng Phoenix na naglista ng 35.6 puntos.

Sa rookie race, na-ngunguna sina Roosevelt Adams ng TerraFirma at Aaron Black ng Meralco.

Wala pang linaw kung ang Best Player of the Conference ang siya ring itatanghal na season MVP sa taong ito.

BOBBY RAY PARKS JR.
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with