TNT-Ginebra finals larga na agad
Tinalo ng Barangay Ginebra ang TNT para sa korona ng PBA Philippine Cup, 4-2, noong 2004-05 season kung saan hinirang si Fil-Am power forward Eric Menk bilang Finals MVP.
STAR/File

TNT-Ginebra finals larga na agad

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - November 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ito pa lamang ang ikat­long pagkakataon na maglalaban ang mga Gin Kings at Tropang Giga sa PBA Finals.

Tinalo ng Barangay Ginebra ang TNT para sa korona ng PBA Philippine Cup, 4-2, noong 2004-05 season kung saan hinirang si Fil-Am power forward Eric Menk bilang Finals MVP.

Niresbakan naman ng Tropang Giga ang Gin Kings, 4-2, sa kanilang rematch noong 2011 PBA Commissioner’s Cup sa pagbandera nina co-Finals MVPs Jason Castro at Jimmy Alapag kasama si import Paul Harris.

Magtutuos ang dalawang koponan ngayong alas-6 ng gabi sa Game One ng 2020 PBA Philippine Cup best-of-seven championship series sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.

“I think we’ll go in as slight underdogs, as opposed to this series where we were a little bit favored,” wika ni head coach Tim Cone sa kanyang Gin Kings na tinalo ang Tropang Giga, 85-79, sa elimination round noong Nobyembre 6.

Nilusutan ng Ginebra ang Meralco, 83-80, mula sa game-winning three-point shot ni Scottie Thompson sa Game Five ng kanilang semifinals series para umabante sa kanilang pang-27 PBA Finals stint.

Sinibak naman ng TNT ang Phoenix, 91-81, sa Game Five ng kanilang semis duel para makapasok sa kanilang ika-20 championship stint.

Kumolekta si Ray-Ray Parks Jr. ng 25 points, 10 rebounds at 6 assists sa nasabing panalo ng Tropang Giga, tumatarget sa kanilang ika-walong titulo.

“It’s not easy playing in the bubble. But we’ve made it to the finals, it’s up to us to finish it,” sabi ng anak ni seven-time PBA Best Import Bobby Parks.

Sina Thompson, Stanley Pringle, LA Tenorio, Japeth Aguilar, Jared Dillinger at Joe Devance ang mu­ling aasahan ng Ginebra katapat sina Parks, RR Pogoy, Castro, Troy Rosario at Poy Erram.

GINEBRA TNT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with