Abueva malaki ang ipinagbago
Calvin Abueva
STAR/File

Abueva malaki ang ipinagbago

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - November 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa kabila ng kabiguang makapasok sa finals sa PBA Season 45 Philippine Cup, lumabas si Phoenix star Calvin Abueva ng bubble na nakataas ang noo.

Ito ay matapos maka­kuha ng positibong pana­naw mula sa kanyang mga katropa sa ilang buwang pananatili nito sa PBA bubble sa Clark, Pampanga.

Ayon sa teammate nitong si RJ Jazul, malaki ang ipinagbago ni Abueva matapos ang 16 buwang suspensiyong ipinataw sa kanya ng liga noong nakaraang taon.

Marami itong natutunang aral habang nasa labas ng PBA na tunay na naipakita nito sa kanyang pagbabalik sa Philippine Cup.

“Knowing ‘yung pinagdaanan niya, ‘yung mga nangyari sa kanya, I know he learned his lessons. He Promised us he would just focus on the game,” ani Jazul sa programang Sports Page.

Malayo ito sa dating Abueva.

Pangunahing tinukoy ni Jazul ang “maturity” na maganda ang naging resulta para sa Fuel Masters sa kabuuan.

Isa ito sa mga naging leader ng koponan.

“Sobrang nag-mature si Calvin. He’s looking for others. He’s looking for e­verybody to get better. ‘Yun yung nakakatuwa hindi lang sarili ang iniisip niya.

CALVIN ABUEVA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with