Tolentino matinding hamon ang haharapin sa 2021
POC president Abraham ‘Bambol’ Tolentino
STAR/File

Tolentino matinding hamon ang haharapin sa 2021

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - November 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maliban sa Olympic Games sa Tokyo, Japan ay sasabak din ang Team Philippines sa dalawang malalaking international events sa susunod na taon.

Kaya ngayon pa lamang ay gusto nang simulan ni re-elected Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino ang kanyang trabaho.

“We have to focus on the athletes. There are a lot of challenges next year, a lot of big competitions outside,” wika ni Tolentino. “We have a lot of work but with the help of this team starting January 1.”

Inungusan ni Tolentino ng cycling si Atty. Clint Aranas ng archery, 30-22, para sa presidential post ng POC sa idinaos na eleksyon noong Biyernes.

Bukod sa 2021 Tokyo Olympics sa Hulyo ay nakatakda ring sumabak ang mga Pinoy athletes sa Asian Indoor Martial Arts Games (AIMAG) sa Mayo at idedepensa ang korona sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Nobyembre.

Nahinto ang pag-eensayo ng mga national athletes simula noong Marso nang pumutok ang coronavirus disease (COVID-19).

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang ‘go signal’ mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga miyembro ng Team Philippines na magbalik-ensayo.

“There is so much work to be done and the trai­ning of our athletes was delayed,” wika ni Tolentino. “But with the help of this new team, starting J­anuary 1, definitely there will be a lot of changes and surprises.”

BAMBOL TOLENTINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with