Bagitong Gilas Pilipinas squad nagpakilala

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - November 29, 2020 - 12:00am

Thailand inilampaso

MANILA, Philippines — Nagpakilala ang batang Gilas Pilipinas squad nang pulbusin nito ang Thailand sa pamamagitan ng 93-61 demolisyon sa pagsisimula ng FIBA Asia Cup Qualifiers na ginaganap sa Khalifa Sports City sa Manama, Bahrain.

Ang panalo ang nagdala sa Gilas Pilipinas sa unahan ng Group A tangan ang malinis na 2-0 rekord, kasalo ang walang larong South Korea na may parehong marka.

Nahulog naman sa 0-2 ang Thailand para samahan sa ibaba ng standings ang Indonesia na wala pa ring panalo sa dalawang pagsalang.

Hindi naging problema sa Gilas Pilipinas ang chemistry matapos maglatag ng solidong laro ang buong tropa kung saan nanguna sa ratsada ng tropa si Dwight Ramos na may perpektong 7-of-7 shooting clip para makalikom ng 20 puntos kasama ang pitong rebounds, tatlong assists at tatlong steals sa loob ng 20 minutong paglalaro.

Matikas din sa kanyang unang Gilas duty sina Justine Baltazar na naglista ng 12 markers, limang boards at dalawang assists samantalang may 12 puntos din si Juan Gomez de Liaño.

Nakapuntos ang lahat ng Gilas members partikular na sina first-timers Javi Gomez de Liaño na nag-ambag ng siyam at Mike Nieto na umiskor ng walo.

Bumandera para sa Thailand si Montien Wongsawangtham na may 17 puntos katuwang sina Nakorn Jaisanuk at Wattana Suttisin na may pinagsamang 22 markers.

Matinding depensa ang naging armas ng Gilas para puwersahin ang Thailand na makagawa ng 22 turnovers.

Kumana pa ang Pinoy squad ng siyam na steals na nagresulta sa 14 fastbreak points.

Maganda rin ang ikot ng bola para makakuha ng 24 assists at 42 points sa shaded area kasama pa ang impresibong 49.7 fieldgoal shooting.

“We were just feeling ourselves at the start of the game. Fortunately, the game turned around at the start of the second quarter,” ani Gilas head coach Jong Uichico.

GILAS PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with