TNT vs Ginebra sa finals
Tinirahan ni TNT guard RR Pogoy si Phoenix center Justin Chua sa Game 5 ng PBA semis series.
STAR/File

TNT vs Ginebra sa finals

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - November 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ang Barangay Ginebra at TNT Tropang Giga ang magtutuos para sa best-of-seven championship series.

Pinatalsik ng Gin Kings ang Meralco Bolts, 83-80 habang dinispatsa ng Tropang Giga ang Phoenix Fuel Masters, 91-81, sa Game Five ng kani-kanilang semifinals wars patungo sa 2020 PBA Philippine Cup Finals kahapon sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.

Isinara ng Ginebra sa 3-2 ang kanilang best-of-five semis duel ng Meralco para sa kanilang pang-27 PBA Finals appearance hangad ang ika-13 korona.

Isinalpak ni Scottie Thompson ang isang three-point shot sa huling segundo ng final canto para ibigay sa Gin Kings ang panalo matapos itabla ni Reynel Hugnatan ang Bolts sa 80-80 sa huling 14 segundo.

“Our job is not yet done pero happy na kami na nakabalik kami sa Finals,” wika ni Thompson.

Winakasan din ng TNT ang semis showdown nila ng Phoenix sa 3-2 papasok sa kanilang ika-20 PBA Finals stint target ang pang-walong titulo.

“It’s good to be back in the Finals but I must commend the players like Ray Ray (Parks). They really stepped up in tonight,” wika ni coach Bong Ravena. “Hats off to Phoenix. They really made us better every game that we played.”

Kumamada si Ray Ray Parks  Jr. ng 26 points, 10 rebounds at 6 assists para banderahan ang Tropang Giga at nagdagdag sina Simon Enciso, RR Pogoy at Jayson Castro ng 12 at tig-11 markers, ayon sa pagkakasunod.

Pinamunuan naman ni Calvin Abueva ang Fuel Masters sa kanyang 23 points, 13 boards, 6 assists at 3 blocks.

Tumipa si Matthew Wright ng 13 points mula sa 5-of-19 fieldgoal shoo­ting kasama ang 3-of-13 clip sa three-point line habang may 11 markers, 11 boards at 5 assists si Jason Perkins.

Nabigo ang Phoenix ni mentor Topex Robinson na makapasok sa kanilang kauna-unahang PBA Finals.

Huling naghari ang PLDT franchise sa isang All-Filipino tournament noong 2012.

GINEBRA TNT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with