De Los Santos naka-porma na sa 24th gold
Orencio James De Los Santos
STAR/File

De Los Santos naka-porma na sa 24th gold

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - November 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Desidido si Orencio James De Los Santos na kapitan ng husto ang No. 1 spot sa world rankings.

Ito ay matapos makapasok na naman sa finals ng men’s seniors individual kata sa Sportdata eTournament World Series.

Muling inilatag ni De Los Santos ang kanyang world-class performance para makuha ang 24.4-24.1 panalo laban kay Silvio Cerone-Biagioni ng South Africa sa semifinals.

Bago makapasok sa semis, tinalo muna ni De Los Santos sina Andrei Gabriel Nedelcu ng Romania sa Round-of-16 (24.6-23.7) at Lukas Grimm ng Germany sa quarterfinals (24.4-23.2).

Haharapin ni De Los Santos sa gold-medal match si World No. 3 Domont Matias Moreno ng Switzerland na nanalo kay Hugh Connolly ng Ireland sa hiwalay na semis match.

Target ni De Los Santos na masungkit ang ika-24 gintong medalya sa online tournaments.

Kasalukuyan itong may 11,920 puntos sa rankings — malayo sa 8,740 points ng No. 2 na si Eduardo Garcia ng Portugal, 5,775 ni Moreno at 5,470 ni Cerone Biagioni.

KARATE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with