Gilas first-timers may patutunayan

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - November 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Malaki ang pasasalamat nina Justine Baltazar, Javi Gomez de Liaño, Rey Suerte, Dave Ildefonso, Mike N­ieto, Kemark Carino at Will Navarro matapos mapasama sa Final 12 ng Gilas Pilipinas.

Kasama ng pito sina Kobe Paras, Isaac Go, Matt Nieto, Dwight Ramos at Juan Gomez de Liaño.

Handa ang mga first-timers na patunayan na karapat-dapat sila sa kanilang puwesto upang masuklian din ang tiwalang ibinigay sa kanila ng coaching staff at ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.

“It’s honestly a surreal experience to be a part of the seniors’ team. When I had my first ever Gilas stint in Batang Gilas, I never r­eally dreamt of getting into the men’s team because I was happy that I even got into the youth team,” ani Ildefonso.

Agad na nasubukan ang tikas ng bagitong Gilas Pilipinas team kagabi kontra sa Thailand sa kanilang u­nang asignatura sa se­cond window.

Nilalaro ang Thailand-Phl  game habang sinusulat ang balitang ito.

GILAS PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with