Poirier interesado kay Pacquiao
Dustin Poirier
STAR/File

Poirier interesado kay Pacquiao

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - November 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umeksena na rin si dating Ultimate Fighting Championship (UFC) lightweight champion Dustin Poirier sa listahan ng mga posibleng makalaban ni eight-division world champion Manny Pacquiao.

Ang 31-anyos na si Poirier ang makakasagupa ni UFC superstar Conor McGregor sa UFC 257 fight sa Enero 23.

Matapos ang laban kay Poirier, inaasahang maikakasa na ang inaabangang salpukan nina McGregor at Pacquiao sa susunod na taon na nauna nang napaulat na idaraos sa Middle East.

Subalit nakasentro muna ang atensiyon ni McGregor kay Poirier. Alam ni McGregor ang kapasidad ni Poirier kaya’t matinding paghahanda ang ginagawa nito upang makuha ang importanteng panalo.

“I’m not underestimating this guy in any aspect of MMA. I expect the guy to come out as a mixed martial artist and not a boxer. He’s coming to fight and so am I,” ani McGregor.

Hindi naman lingid sa kaalaman ni Poirier ang nilulutong McGregor-Pacquiao fight.

Kaya naman binantaan ni Poirier si McGregor na daraan ito sa butas ng karayom.

At kung siya ang mananalo, nagbabala si Poirier na posibleng siya ang makaharap ni Pacquiao at hindi si McGregor.

“He might be and that might be a huge mistake. A huge mistake. I might be fighting Pacquiao,” ani Poirier.

Sa ngayon, umiiwas muna si Pacquiao sa mga u­sapin sa boksing dahil abala ito sa pagtulong sa kanyang mga kababayang nasalanta ng bagyo at naapektuhan ng pandemya.

MANNY PACQUIAO UFC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with