3X3 Manila players sali sa PBA Rookie Draft

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - November 27, 2020 - 12:00am

Babu na sa Chooks

MANILA, Philippines — Tuluyan nang nalagas ang 3x3 Manila nang magpasya ang lahat ng miyembro nito na magsumite ng aplikasyon para sa PBA Annual Rookie Draft.

Lilisanin na nina Joshua Munzon, Alvin Pasaol, Troy Rike at Santi Santillan ang 3x3 Manila para ituon ang kanilang atensiyon sa rookie draft.

Nagdesisyon ang apat na hindi na pumirma pa ng contract renewal sa Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 na siyang humahawak sa tropa.

Mapapaso na sa Dis­yembre ang kontrata nina Munzon, Pasaol, Rike at Santillan sa 3x3 Manila.

Malaki ang pasasalamat ng apat sa pamunuan ng Pilipinas 3x3 na nagbi­gay sa kanila ng oportunidad na katawanin ang bansa sa mga FIBA-sanctioned tournaments.

Galing ang 3x3 Manila sa kampanya nito sa FIBA 3x3 World Tour - Doha Masters sa Doha, Qatar kamakailan. Subalit hindi umabante sa quarterfinals ang koponan matapos lumasap ng dalawang sunod na kabiguan sa group stage — laban sa Liman ng Serbia (15-22) at Lusail ng Qatar (14-19).

Hindi naman hinadlangan ng pamunuan ng Pilipinas 3x3 ang desisyon ng apat dahil suportado ng grupo ang pangarap nilang makapasok sa PBA.

“We at Chooks-to-Go won’t hinder you from achieving your dreams. Good luck on your next journey! All of you will always be a Manok ng Bayan!” ayon sa statement ng liga.

3X3 PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with