Gilas Pilipinas uupak na kontra Thailand

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - November 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ilalabas na ng Gilas Pilipinas ang buong pu­wersa nito sa pagsagupa sa Thailand ngayong gabi sa pagsisimula ng FIBA Asia Cup Qualifiers second window sa Khalifa Sports City sa Manama, Bahrain.

Nakatakda ang engkuwentro ng Pilipinas at Thailand sa alas-4 ng hapon (alas-9 ng gabi sa Maynila).

Optimistiko si Gilas Pilipinas head coach Jong Uichico sa kampanya ng kanyang tropa na tinukoy nitong may kakaibang tapat at kalidad.

Alam ni Uichico na bata ang kanyang lineup.

Subalit dumadaloy sa dugo nito ang dugong palaban na inaasahang lalabas sa kanilang dalawang laro kontra Thailand.

“They play hard, they have the energy and they have the intensity. If they can translate all of those to the cerebral part of the game, then they’re the perfect bunch already,” ani Uichico.

Walang naging problema si Uichico sa paghawak sa kanyang tropa dahil handa ang lahat na matuto at sumunod sa sistemang inilalatag ng coaching staff.

“That would come with maturity, exposure because they’re already coachable,” dagdag ni Uichico na kasama sa coaching staff sina Samahang Basketbol ng Pilipinas program director Tab Baldwin at assistant coach Boyet Fernandez.

Pangungunahan ang Gilas Pilipinas nina Isaac Go, Matt Nieto, Kobe Paras, Dwight Ramos at Juan Gomez de Liaño kasama sina Mike Nieto, Javi Gomez de Liaño, Rey Suerte, Jaydee Tungcab, Justine Baltazar, Dave Ildefonso, William Navarro, Calvin Oftana at Kemark Carino.

Lalaban naman ang Thailand na wala si Thai-American Tyler Lamb na pangunahing pinagkukunan ng lakas ng tropa.

Subalit hindi dapat magpakampante ang Gilas Pilipinas dahil professional players ang 10 nasa lineup ng Thailand.

Matapos ang unang laro, magkakaroon ng dalawang araw na pahinga ang Gilas bago muling harapin ang Thailand sa Lunes sa parehong oras.

GILAS PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with