âDi pa tapos ang laban!
Stanley Pringle
STAR/ File

‘Di pa tapos ang laban!

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - November 26, 2020 - 12:00am

Bolts humirit ng rubber match

MANILA, Philippines — Hindi pa tapos ang serye para sa Meralco.

Humirit ng ‘sudden death’ match ang Bolts matapos resbakan ang Ginebra Gin Kings, 83-80, sa Game Four ng kanilang semifinals showdown sa 2020 PBA Philippine Cup kahapon sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.

Pinigilan ng Meralco ang pagmartsa ng Ginebra sa ika-27 PBA Finals appearance para itabla sa 2-2 ang kanilang best-of-five semifinals series patungo sa bakbakan sa Game Five bukas.

Sinandigan ng Bolts ang krusyal na supalpal ni 6-foot-8 Raymond Almazan kay Gin Kings guard Stanley Pringle sa huling limang segundo ng laro na nagresulta sa fastbreak basket ni Chris Newsome para sa kanilang 83-80 bentahe.

“That was a huge block by Raymond. He’s really our inside defender,” sabi ni Meralco coach Norman Black kay Almazan. “He’s still not yet 100 percent.”

“It gives us a chance to tie the series at 2-2 and possibly win Game Five and make it to the Finals,” dagdag pa ng one-time PBA Grand Slam champion mentor.

Nalampasan ng Bolts ang pagbangon ng Gin Kings mula sa 15-point deficit sa third period para muling kunin ang 81-80 abante mula sa basket ni Reynel Hugnatan sa huling 15.5 segundo.

Sa huling 8.3 segundo ay nagdisenyo ng estratehiya si Ginebra mentor Tim Cone kung saan sasalaksak si Pringle sa gitna.

Ngunit ito ay napigilan ni Almazan, tumapos na may 11 points, 3 rebounds at 1 block para sa Meralco.

Huling nakuha ng Ginebra ang 80-79 abante mula sa basket ni 6’8 Japeth Aguilar, humakot ng 12 points, 12 boards, 4 assists at 2 blocks, sa nalalabing 1:25 minuto ng final canto.

MERALCO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with