Olympic hopefuls prayoridad ni Tolentino

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - November 26, 2020 - 12:00am

Mabigyan ng COVID-19 vaccine

MANILA, Philippines — Hindi lamang ang mga bayaning frontliners at mga mahihirap ang dapat ma­bigyan ng bakuna para sa coronavirus disease (COVID-19).

Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) incumbent president Abraham “Bambol” Tolentino na pipilitin niyang mabigyan din ng bakuna para sa COVID-19 ang mga Olympic Games hopefuls.

“Pipilitin natin. Kasi kung nakalagay sa mga policies na uunahin ang Metro Manila, dapat kami ng PSC (Philippine Sports Commission) ay nagkakasundo diyan na nasa Metro Manila nga itong mga national athletes, eh ‘di kasama ito kung pagbabatayan natin ang Mero Manila,” ani Tolentino.

Dahil sa COVID-19 pandemic ay iniatras ang Olympic Games sa Tokyo Japan sa susunod na taon.

Tanging sina pole vaul­ter EJ Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Irish Magno at Eumir Felix Marcial ang mayroon nang Olympic berth.

Kasalukuyan nang nakikipag-usap ang gobyerno sa mga vaccine makers na Sinovac ng China, AstraZeneca ng United Kingdom, US-based Pfizer at Russian Gamaleya.

POC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with