Hugnatan itinanggi ang âlutoâ remarks
Reynel Hugnatan
PBA Media Bureau

Hugnatan itinanggi ang ‘luto’ remarks

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - November 25, 2020 - 12:00am

PBA nag-iimbestiga na

MANILA, Philippines — Mariing itinanggi ni Me­ralco star Reynel Hugnatan na siya ang nagsabi ng “luto” remarks sa Game 3 ng best-of-five semifinals series ng Bolts laban sa Barangay Ginebra noong Linggo.

Nagkalat sa social media ang “Ref, lutung-luto ‘to ah!” kung saan si Hugnatan ang itinuturo ng ilang netizens na nagbitaw ng naturang pahayag.

Ipinaliwanag naman ni Hugnatan na posibleng siya ang napagbintangan dahil siya ang nakita sa telebisyon na nagpapaliwanag sa referee sa kasagsagan ng fourth quarter.

“Naka-timing na nasa akin yung camera nung narinig nila yung nagre­reklamo. Akala tuloy nila ako ‘yung nagsabi,” pahayag ni Hugnatan.

Hindi naman sumama ang loob ni Hugnatan sa agarang akusasyon sa kanya dahil alam naman nito ang totoong nangyari.

“Opinyon nila ‘yun wala naman akong magagawa pero ang sa akin, alam ko ‘yung totoo (na hindi ako ang nagsabi nun),” dagdag ni Hugnatan.

Nakasentro na ang atensiyon ni Hugnatan sa krusyal na Game 4 ng Bolts kontra Gin Kings kaya naman nais na nitong kalimutan na muna ang naturang insidente.

Iniimbestigahan na ng pamunuan ng PBA ang naturang insidente upang panagutin ang may sala.

Itinuturing ang natu­rang pahayag na violation dahil nakasisira ito sa imahe ng liga lalo pa’t patungkol sa officiating ang tinutukoy nito.

Nais ni PBA commissioner Willie Marcial na dumaan ito sa proseso kung saan isa-isa nang kinokonsulta ang mga officials sa naturang laro gaya ng referees at table officials.

MERALCO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with