Ginto ni De Los Santos pumalo na sa 23
Orencio James De Los Santos
STAR/ File

Ginto ni De Los Santos pumalo na sa 23

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - November 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tuloy ang mainit na ratsada ni Orencio James De Los Santos matapos angkinin ang gintong medalya sa men’s seniors individual kata event ng Golden League Karate eTournament Series #3.

Sa katunayan, may iniindang karamdaman si De Los Santos.

Subalit hindi ito naging hadlang para ilabas ang kanyang world-class performance.

Nagresulta ito sa 25.7-24.3 matamis na panalo laban kay Alfredo Bustamante ng Amerika sa finals.

Ito ang ika-23 gintong medalya ni De Los Santos sa online tournaments.

“In the final round, I faces USA. I have to admit that  I was feeling under the weather during the finals, but I still performed and ended up winning my 23rd gold,” ani De Los Santos.

Nakapasok sa finals si De Los Santos matapos patumbahin si Domont Matias Moreno ng Switzerland sa semifinals (25.4-23.9).

Nakakuha ng bye ang Pinoy bet sa quarterfinals.

Para masigurong ligtas, sumailalim agad sa swab test si De Los Santos at masayang ibinalitang negatibo ito sa coronavirus disease (COVID-19).

SERIES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with