Thailand 10 players lang sa FIBA Qualifiers

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - November 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hirap din ang Thailand na makabuo ng solidong koponan para sa FIBA Asia Cup Qualifiers na lalarga mula Nobyembre 27 hanggang 30 sa Manama, Bahrain.

Sa katunayan, 10 manlalaro lamang ang ipinadala ng Basketball Sport Association of Thailand (BSAT) para sa tatlong importanteng laro nito sa qualifiers.

Mapapalaban ng husto ang Thailand dahil wala si Thai-American Tyler Lamb na isa sa pangunahing pinagkukunan ng lakas ng kanilang koponan.

Hindi rin makakasama si head coach Chris Daleo na kasalukuyang nasa Amerika.

Babanderahan ang Thailand nina Chanathip Jakrawan, Nakorn Jaisanuk, Nattakarn Muangboon, Wattana Suthisin at Chatpol Chuengyampin na beterano na sa international competitions.

Sina Jakrawan, Jaisanuk, Muangboon, Suthisin at Chuengyampin  ay bahagi ng Thailand national team na nakasungkit ng pilak na medalya sa 2019 Southeast Asian Games na ginanap sa Manila.

Makakasama ng lima sa lineup sina Bandit Lakhan, Sukhdave Ghogar, Montien Wongsawangtham, Anucha Langsui at Anasawee Klaewnarong.

Hahawakan ang koponan ni Manid Niyomyindee bilang pansamantalang kahalili ni Daleo.

FIBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with