Laban sa game 4 mas mabigat â Cone
Naunahan ni Ginebra big man Joe Devance sa paghablot sa rebound si Chris Newsome ng Meralco sa Game 3 ng PBA Philippine Cup semis wars.

Laban sa game 4 mas mabigat — Cone

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - November 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ang bawat makukuhang break ng isang koponan sa loob ng PBA ‘bubble’ ay mahalaga.

Kaya naman gagamitin ito ni head coach Tim Cone para ipahinga ang kanyang Barangay Ginebra sa kanilang matinding best-of-five semifinals series ng Meralco sa 2020 PBA Philippine Cup.

“We got two days off but we’ll still be practicing. But we don’t play for two days,” wika ng two-time PBA Grand Slam champion mentor. “We’ll use that to rest and try to get our energy back up to a level which we’d come back with brute force.”

Tinalo ng Gin Kings ang Bolts, 91-84, sa Game Three noong Linggo para ilista ang 2-1 abante palapit sa kanilang pang-27 PBA Finals appearances.

Sa naturang panalo ng Ginebra ay humataw si guard Stanley Pringle ng 24 points habang may 15, tig-12 at 10 markers sina Prince Caperal, LA Tenorio, Japeth Aguilar at Joe Devance, ayon sa pagkakasunod.

Huling pumasok ang Ginebra sa isang PBA All-Filipino Finals noong 2017 kung saan sila yumukod sa San Miguel habang huli silang nagkampeon noong 2007.

Maaari nang itiklop ng Gin Kings ang kanilang semis wars ng Bolts sa Game Four bukas.

“It takes a lot of effort to win a basketball game, and sometimes, you just do not have that same effort going into the next game and the other team picks up the effort,” sabi ni Cone.

Pipilitin din ng Phoenix na wakasan ang kanilang sariling serye ng TNT Tropang Giga matapos itayo ang 2-1 abante mula sa 92-89 panalo sa Game Three noong Linggo.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with