Ref, lutung-luto âto ah! trending sa social media
Dinig na dinig sa live telecast ng PBA ang pagkadismaya nito kung saan nabanggit ang mga salitang “Ref, lutung-luto ‘to ah!” sa kasagsagan ng fourth quarter.

Ref, lutung-luto ‘to ah! trending sa social media

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - November 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Usap-usapan ngayon ang patutsada ng isang miyembro ng Meralco team sa Game 3 ng PBA Season 45 Philippine Cup best-of-three semifinal series nito laban sa Barangay Ginebra noong Linggo sa Angeles, Pampanga.

Dinig na dinig sa live telecast ng PBA ang pagkadismaya nito kung saan nabanggit ang mga salitang “Ref, lutung-luto ‘to ah!” sa kasagsagan ng fourth quarter.

Hindi nakita sa telebisyon kung sino ang nagsalita ngunit lumabas sa ilang ulat na si Reynel Hugnatan ito.

Wala pang anunsiyo ang PBA at ang mismong koponan ng Meralco kung sino ito.

Posibleng patawan ng parusa o multa ang naturang player o staff dahil sa nagawa nito.

Maituturing itong paglabag sa patakaran ng PBA dahil sa komento nitong matutukoy na “detrimental to the league” o nakasisira sa imahe ng liga.

Hindi na bago ang ganitong uri ng pangyayari sa liga.

Madalas na nakapagbibitaw ng hindi magagandang salita ang ilang players, coaches o staff lalo pa’t matindi at krusyal ang bakbakan.

Karaniwang pinapatawan agad ito ng technical foul sa mismong laro o kaya naman pinagmumulta ng PBA management.

Nais ng Meralco na kalimutan na ang Game 3 lalo pa’t nakabaon ito sa 1-2 rekord kontra sa Barangay Ginebra sa serye.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with