PSC bibigyan ng ayuda ang mga atleta, coaches

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - November 24, 2020 - 12:00am

Biktima ng bagyong Ulysses

MANILA, Philippines — Hindi man ganoon kalaki ang kanilang maibibigay na tulong pinansyal sa mga national athletes at coaches na biktima ng bagyong ‘Ulysses’ ay mahalaga na rin ito.

Ito ang sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez sa pagtulong nila sa mga miyembro ng Team Philippines na direktang naapektuhan ng nasabing bagyo.

“It might not be substantial but we will do our best we can to help them,” sabi ni Ramirez.

Nakipag-usap si Ramirez sa mga National Sports Associations (NSAs) para matukoy ang mga atleta at coaches na naapektuhan ng pana­nalasa ng ‘Ulysses’.

Kabilang sa mga bibigyan ng PSC ng tulong pi­nansyal ay ang Philippine Canoe-Kayak Dragonboat Federation team na naninirahan sa floodways sa Rizal.

Ilan lamang sila sa mga 57 national athletes at coaches mula sa siyam na NSAs na nawalan ng tahanan dahil sa ‘Ulysses’.

“We will have this rolled out the soonest. We are just waiting for the final report from the NSA affairs so we can finalize everything,” sabi ni PSC Executive Director Atty. Guillermo Iroy Jr.

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with